noong isang linggo nasaksihan natin kung paano pasukuin ng isang Manny Pacquiao ang mas mataas at mas malaking si Oscar dela Hoya. ang ipinagmamalaki ng Pilipinas na si "Pacman" laban sa "Golden Boy" ng boksing. dito ipinamalas ni manny na ang sipag, tiyaga, determinasyon, preparation, focus at tamang diskarte ang kailangan upang mapagtagumpayan ang pinakamalaking hamon sa buhay.
noong una, marami ang nag-alinlangan dahil parang mismatch ang laban. mas malaki itong si oscar at marami nang experience sa laban. pero hindi ito ang tiningnan ni manny. para kay manny ito ay isang opportunity na dapat kunin. hindi nga sya nagkamali. ngayon ay hahakot sya ng pinakamalaking premyo na makukuha nya sa isang laban.
pero ano nga ba ang matututunan natin kay manny?
1. desire. gusto nyang mapabuti ang kanilang buhay dahil mahirap lang ang pamilya ni manny noon pero hindi ito naging hadlang para maabot nya kung ano sya ngayon. pinanghawakan nya ang kanyang mga pangarap.
2. passion. boxing ang hilig nya. ito ay kanyang pinagbuti at pinagyaman upang maging malakas at mahusay sa pakikipaglaban.
3. motivation. palagi nyang sinasabi na ginagawa nya ang lahat para sa pamilya nya, sa bayan at sa Diyos.
4. hard work. ginagawa nya ang lahat para maging handa sa tunay na laban.
5. discipline. isinantabi nya lahat ng mga bagay na makakasira ng kanyang pag-eensayo.
6. focus and commitment. tutok si manny sa kung ano ang ginagawa nya at kung ano ang gusto nyang marating.
7. prayerful. hindi lang sya umaasa sa sariling kakayahan kundi maging sa lakas na ipinagkakaloob sa kanya ng Poong Maykapal.
8. self belief. hindi nya pinakinggan ang mga naninira at nagsasabing hindi nya kaya. mas kilala nya ang sarili nya at alam nya kung anong kaya nyang gawin.
9. humility. tinatanaw nyang isang malaking utang na loob ang kanyang pagkapanalo sa lahat ng mga Pilipino at sa ating Panginoon.
10. positive attitude. kung gugustuhin kaya ng Pinoy!
nawa matularan natin si manny sa kanyang mga katangian upang gaya nya maiahon din natin natin ang ating mga pamilya sa hirap, mapaunlad ang ating bansa at papurihan ang ating Dakilang Lumikha.
The Problem of Attachments
2 months ago

No comments:
Post a Comment