Sunday, December 14, 2008

a warrior's attitude

noong isang linggo nasaksihan natin kung paano pasukuin ng isang Manny Pacquiao ang mas mataas at mas malaking si Oscar dela Hoya. ang ipinagmamalaki ng Pilipinas na si "Pacman" laban sa "Golden Boy" ng boksing. dito ipinamalas ni manny na ang sipag, tiyaga, determinasyon, preparation, focus at tamang diskarte ang kailangan upang mapagtagumpayan ang pinakamalaking hamon sa buhay.

noong una, marami ang nag-alinlangan dahil parang mismatch ang laban. mas malaki itong si oscar at marami nang experience sa laban. pero hindi ito ang tiningnan ni manny. para kay manny ito ay isang opportunity na dapat kunin. hindi nga sya nagkamali. ngayon ay hahakot sya ng pinakamalaking premyo na makukuha nya sa isang laban.

pero ano nga ba ang matututunan natin kay manny?

1. desire. gusto nyang mapabuti ang kanilang buhay dahil mahirap lang ang pamilya ni manny noon pero hindi ito naging hadlang para maabot nya kung ano sya ngayon. pinanghawakan nya ang kanyang mga pangarap.

2. passion. boxing ang hilig nya. ito ay kanyang pinagbuti at pinagyaman upang maging malakas at mahusay sa pakikipaglaban.

3. motivation. palagi nyang sinasabi na ginagawa nya ang lahat para sa pamilya nya, sa bayan at sa Diyos.

4. hard work. ginagawa nya ang lahat para maging handa sa tunay na laban.

5. discipline. isinantabi nya lahat ng mga bagay na makakasira ng kanyang pag-eensayo.

6. focus and commitment. tutok si manny sa kung ano ang ginagawa nya at kung ano ang gusto nyang marating.

7. prayerful. hindi lang sya umaasa sa sariling kakayahan kundi maging sa lakas na ipinagkakaloob sa kanya ng Poong Maykapal.

8. self belief. hindi nya pinakinggan ang mga naninira at nagsasabing hindi nya kaya. mas kilala nya ang sarili nya at alam nya kung anong kaya nyang gawin.

9. humility. tinatanaw nyang isang malaking utang na loob ang kanyang pagkapanalo sa lahat ng mga Pilipino at sa ating Panginoon.

10. positive attitude. kung gugustuhin kaya ng Pinoy!

nawa matularan natin si manny sa kanyang mga katangian upang gaya nya maiahon din natin natin ang ating mga pamilya sa hirap, mapaunlad ang ating bansa at papurihan ang ating Dakilang Lumikha.

Tuesday, July 15, 2008

paano ba tayo magsisimula?

isang malaking katanungan ang kailangan ng kasagutan--paano ba magsimula?

set your goals and vision

unang-una kailangan malinaw kung ano ang gusto nating marating. ano ba ang goals mo? anu-ano ba ang mga pangarap mo sa buhay? your vision? your objectives? dapat klaro at kung bakit iyon ang gusto mo para alam mo kung paano mo gagawin.

make your own mission

1. to serve God. ako, gusto ko rin yumaman (sino bang hindi?). unang-una gusto ko mag-serve kay Lord. gusto kong suportahan ang mga proyekto ng simbahan lalong-lalo na mga programa nito sa mga mahihirap.

2. to serve others. pangalawa, gusto kong makatulong sa aking kapwa. ako pa ang nahihiya kapag hindi ako nakakapagbigay sa mga taong humihingi ng tulong sa akin pero wala akong magawa kasi wala din ako.

3. for my family. pangatlo, para sa pamilya ko lalong-lalo na sa mga anak ko.

prepare the masterplan

kung ang gusto mong yumaman dapat mag-isip ka ng paraan paano ka yayaman. please lang alisin mo na sa listahan ang pagtaya sa lotto kasi baka tumanda ka na sa katataya hindi ka pa nananalo. gumawa ka ng mga racket o sidelines. kailangan yung kungkreto, realistic at dapat patas ang labanan. subukan mo ang magtayo ng negosyo (business).

example of business

1. buy and sell. ako, pinasok ko ang buy and sell. nagbenta ako ng beauty soaps na galing sa kaibigan ko. eh ano kung pangbabae yun ang mahalaga may kita ako. ok lang naman ang bentahan kaya lang medyo mabagal.

2. networking. pinasok ko din ang multi-level marketing o yung mas kilala sa tawag na networking. pero hindi sa akin nag-click ito kasi hindi ako magaling sa pangungulit ng ibang tao. hehe.

3. real estate. sinusubukan ko din ngayon ang real estate business. naghahanap ako ng mga properties na for sale tapos naghahanap ako ng buyer. ako ang tumatayong agent kaya kapag nakabenta meron akong commission. sa ngayon dalawang properties ang hinahanapan ko ng buyer. nawa kahit isa maibenta ko ngayong taon. eto yung links sa mga ibinibenta ko baka gusto nyo (hehe): house and lot in corner lot at lot with 2 houses, piggery & pigs.

4. retailing. sa kasalukuyan meron akong tinatag at inaalagaan na kumpanya. computer retailing and services ang tema. nakaisang buwan na at mukhang maganda naman ang takbo. nakakuha na rin ako ng mga investors para makumpleto namin yung aming first project. naghahanap pa ulit kami ngayon ng additional investors para naman sa aming second project.

always on focus

kailangan isulat natin ang mga vision, mission and plans natin para hindi natin malimutan. eto ang magiging blueprint natin para makamit natin ang mga gusto natin sa buhay. dapat dito tayo laging naka-focus at dapat laging bukas ang ating mga mata sa mga possible opportunities.

pray always

laging magdadasal para gabayan tayo ng Maykapal. i-surrender lang natin ang lahat sa Kanya at maniwala tayong tayo'y magtatagumpay sa tulong Niya. dahil sa Kanya walang imposible. sabi nga, "nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa".

Thursday, June 19, 2008

diskarte, Pinoy!

sino ang gustong maging milyonaryo?

lahat siguro sasagot ng "ako" may kasama pang tili. e sino nga ba ang ayaw yumaman? lahat tayo gustong maranasan kung paano mamuhay ng marangya at hindi manatili sa pagiging isang kahig, isang tuka. kaya nga ang haba ng pila sa bentahan ng "lotto" kasi ang gusto iwanan ang mahirap ng buhay.

pero ayon kay Bo Sanchez, ang may akda ng "8 Secrets of the Truly Rich", kahit marami ang may gustong maging mayaman iilan lang ang tunay na nagnanais yumaman. ano daw? pano yun? kasi naman marinig lang natin ang mga salitang: selling, marketing, business, networking, at iba pang salita patungkol dito e lumalayo na tayo dun sa nagsasalita na parang meron s'yang malalang sakit na nakakahawa.

paano ba yumaman?

e paano nga ba yumaman sila Henry Sy ng SM, Tony Tan Caktiong ng Jollibee, Lucio Tan ng Philippine Airlines, at iba pang mayayaman dito sa Pilipinas? simple lang... nagbenta sila. may nagbenta ng sapatos, burger, sigarilyo, at iba pa. nagsimula sila sa maliit at ngayon mga bilyonaryo na. sabi nga ni Senador Manny Villar, "sipag at tiyaga lang 'yan".

diskarte, Pinoy!

pero saan nga ba nakilala ang Pinoy? saan pa eh di sa pagiging madiskarte! kilala nag mga Pinoy sa pagiging masipag, matalino, maaasahan, magaling sa halos lahat ng bagay, pwede mong ilagay kahit saan, palakaibigan at higit sa lahat masiyahin kahit puro problema.. maraming mga Pilipino ang nagtagumpay na at kasalukuyang nagtatagumpay pa sa halos lahat ng sulok ng mundo. kaya kung gusto mong yumaman, kaya mo yan!

diskarte lang!

ang problema sa pera ay kadalasan kayang solusyonan sa ating isipan.

kung gagawin nating literal ang pag-intindi nito eto ang isang halimbawa: may isang mama, walang pera kasi walang trabaho, na naka-isip magdala ng munting lamesa at chessboard sa may kanto. nagsulat sa munting papel na ang nakalagay ay "checkmate black in 2 moves". sa mga nagnanais sagutin ang palaisipan ay tumataya ng P50, P100 o mas malaki pa depende sa usapan. sa bawat talo ng mga tumataya ay pera agad para sa kanya. o di ba instant pera. hindi ko lang alam kung meron ngang solution dahil kung wala eh pandaraya ang ginagawa nya. hindi ko naman sinasabi na gayahin nyo 'yun. ang gusto ko lang bigyan ng diin ay pwedeng kumita kahit walang puhunan gamitin lang natin ang kokote natin at syempre konteng diskarte. malinaw ba?

para sa isang maayos na halimbawa ay ang kwento ng buhay ni Butch Salvador. isang araw nagising na lang sya na ang tanging perang natitira sa kanya ay sampung piso (P10). pero dahil gusto nyang kumita nag-isip sya ng paraan. gumawa sya ng leaflet, pina-photocopy nya ng 10 piraso at pinamigay sa mga may-ari ng sasakyan. nang makahanap sya ng kanyang unang kliyente, pinaayos nya agad sa isang pintor at binayaran sya ng P2,000, hinawakan nya ito ng mahigpit at sinabi sa sarili, "ayaw ko nang maging mahirap". nagsimula sya sa P10, ngayon sya na ang may-ari ng sarili nyang kumpanya, ang Car Magic. nagpa-franchising na rin sya at nakagawa pa sya ng iba pang kumpanya. muli, diskarte lang.

isa pang halimbawa, yung kaibigan ko, nilako lang yung sukang galing Iligan kahit hindi kanya, ayun nakarami na ng benta may mga repeat orders pa. yan ang negosyong laway lang ang puhunan. diskarte lang talaga.

nasa tao ang gawa

kung gusto talaga natin yumaman diskarte ang kailangan. samahan pa ng sipag at tiyaga, di maglalaon may nilaga. hindi dapat maging sagabal ang kahirapan para makamit ang minimithing karangyaan. walang imposible sa taong walang takot harapin ang buhay. lahat posible. magsumikap, kumilos at manampalataya dahil sa huli, "nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa".