sino ang gustong maging milyonaryo?
lahat siguro sasagot ng "ako" may kasama pang tili. e sino nga ba ang ayaw yumaman? lahat tayo gustong maranasan kung paano mamuhay ng marangya at hindi manatili sa pagiging isang kahig, isang tuka. kaya nga ang haba ng pila sa bentahan ng "lotto" kasi ang gusto iwanan ang mahirap ng buhay.
pero ayon kay Bo Sanchez, ang may akda ng "8 Secrets of the Truly Rich", kahit marami ang may gustong maging mayaman iilan lang ang tunay na nagnanais yumaman. ano daw? pano yun? kasi naman marinig lang natin ang mga salitang: selling, marketing, business, networking, at iba pang salita patungkol dito e lumalayo na tayo dun sa nagsasalita na parang meron s'yang malalang sakit na nakakahawa.
paano ba yumaman?
e paano nga ba yumaman sila Henry Sy ng SM, Tony Tan Caktiong ng Jollibee, Lucio Tan ng Philippine Airlines, at iba pang mayayaman dito sa Pilipinas? simple lang... nagbenta sila. may nagbenta ng sapatos, burger, sigarilyo, at iba pa. nagsimula sila sa maliit at ngayon mga bilyonaryo na. sabi nga ni Senador Manny Villar, "sipag at tiyaga lang 'yan".
diskarte, Pinoy!
pero saan nga ba nakilala ang Pinoy? saan pa eh di sa pagiging madiskarte! kilala nag mga Pinoy sa pagiging masipag, matalino, maaasahan, magaling sa halos lahat ng bagay, pwede mong ilagay kahit saan, palakaibigan at higit sa lahat masiyahin kahit puro problema.. maraming mga Pilipino ang nagtagumpay na at kasalukuyang nagtatagumpay pa sa halos lahat ng sulok ng mundo. kaya kung gusto mong yumaman, kaya mo yan!
diskarte lang!
ang problema sa pera ay kadalasan kayang solusyonan sa ating isipan.
kung gagawin nating literal ang pag-intindi nito eto ang isang halimbawa: may isang mama, walang pera kasi walang trabaho, na naka-isip magdala ng munting lamesa at chessboard sa may kanto. nagsulat sa munting papel na ang nakalagay ay "checkmate black in 2 moves". sa mga nagnanais sagutin ang palaisipan ay tumataya ng P50, P100 o mas malaki pa depende sa usapan. sa bawat talo ng mga tumataya ay pera agad para sa kanya. o di ba instant pera. hindi ko lang alam kung meron ngang solution dahil kung wala eh pandaraya ang ginagawa nya. hindi ko naman sinasabi na gayahin nyo 'yun. ang gusto ko lang bigyan ng diin ay pwedeng kumita kahit walang puhunan gamitin lang natin ang kokote natin at syempre konteng diskarte. malinaw ba?
para sa isang maayos na halimbawa ay ang kwento ng buhay ni Butch Salvador. isang araw nagising na lang sya na ang tanging perang natitira sa kanya ay sampung piso (P10). pero dahil gusto nyang kumita nag-isip sya ng paraan. gumawa sya ng leaflet, pina-photocopy nya ng 10 piraso at pinamigay sa mga may-ari ng sasakyan. nang makahanap sya ng kanyang unang kliyente, pinaayos nya agad sa isang pintor at binayaran sya ng P2,000, hinawakan nya ito ng mahigpit at sinabi sa sarili, "ayaw ko nang maging mahirap". nagsimula sya sa P10, ngayon sya na ang may-ari ng sarili nyang kumpanya, ang Car Magic. nagpa-franchising na rin sya at nakagawa pa sya ng iba pang kumpanya. muli, diskarte lang.
isa pang halimbawa, yung kaibigan ko, nilako lang yung sukang galing Iligan kahit hindi kanya, ayun nakarami na ng benta may mga repeat orders pa. yan ang negosyong laway lang ang puhunan. diskarte lang talaga.
nasa tao ang gawa
kung gusto talaga natin yumaman diskarte ang kailangan. samahan pa ng sipag at tiyaga, di maglalaon may nilaga. hindi dapat maging sagabal ang kahirapan para makamit ang minimithing karangyaan. walang imposible sa taong walang takot harapin ang buhay. lahat posible. magsumikap, kumilos at manampalataya dahil sa huli, "nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa".
The Problem of Attachments
2 months ago
